Umaga na naman at kagigising ko pa lang ay nauulinigan ko na ang usapan sa aking mga kapitbahay, "Ano'ng lumabas sa ending kagabi?" Kung hindi ending ang itinatanong ay jueteng naman ang pinag-uusapan. "Putsa! Sayang hindi ko natayaan ang alaga kong numero." Himutok ng isa dahil lagi niyang tinatayaan ang numerong 'yun. Kung kailan hindi siya nakataya ay saka pa tumama ang alagang numero niya. "Sayang nga no eh 'di marami ka sanang pambili ng bigas ngayon," pakli naman ng isa na hihimas-himas pa sa alaga niyang manok. Buti nga kung pambili ng bigas dahil sa pansugal din nauuwi, kung hindi ay pang-toma. Wala, halos araw-araw ganun lang ng ganun ang naririnig kong usapan. Mag-iiba lang ang eksena tuwing araw ng Linggo dahil may ilegal na pasabong sa lugar namin. Minsan nga ay may mga pulis na sumugod sa bakanteng lote na kanilang pinag-sasabungan. Ano pa't dali-daling nagpulasan ang mga sabungero. Tapos may biglang dumagundong na mga yapak sa bubungan namin na parang mga kabayo. Ang mga lekat sa pagmamadaling makatakas ay sa bubong ng may bubong nagsipagdaan.Gusto pa yatang butasin ang bubong namin. Buti na lang daw at walang nahuli dahil ang bibilis tumakbo ng mga sabungero kundi proproblemahin pa nila ang pampiyansa kapag nakulong.
Pero ang pinaka-highlights sa lahat ay itong pa-bingo ni Ineng. Si Ineng ay katapat lang ng bahay namin at mayroong tatlong maliliit pang mga anak. Ang kanyang asawa ay isang construction worker. Noong una nagkukuwentuhan lang sila ng kanyang mga kasamahan. 'Yun bang walang sawang kuwentuhan mula umaga hanggang hapon. Kahit ano na lang ang pag-usapan basta may masabi. Pero nagsawa na yata sila sa ganuong eksena kaya't isang araw ay naisipan niyang bumili ng mga prapernalya sa pagbibinggo. Hindi naman siya nabigo dahil dayuhin na talaga siya ng mga kapitbahay namin. Kahit hindi siya magtawag ay nilalapitan siya ng mga ito. Kahit wala siya ay tuloy pa rin ang bingo dahil hinihiram ang gamit niya ng mga adik sa bingo. Minsan nga umulan ng kaunti tapos ng tumila na ang ulan ay patuloy pa rin ang ligaya.
Marunong din naman akong magbinggo, nakapaglaro na ako nito sa lamay ng patay ng isa kong kakilala. At talaga namang nakakawili ang maglaro dahil maliit lang ang taya mo ay marami ang babalik sa iyo. Iyon ay kung ikaw ay mag-isa kang naka-jackpot.Minsan din ay isinama kami ng kaibigan naming ale sa binggohan na nakapuesto sa may palengke. Singgkuwenta pesos ang isang card tapos nang manalo siya ay binalatuhan kami ng tig-isang daan ng kasama ko. Ang ibinigay niya ay dinagdagan ko na lang ng singkuwenta pesos para ibili ko ng t-shirt na may tatak ni Che Guevarra. Adik din sa binggo ang isang 'yun pero marunong siyang magkontrol dahil ang sobrang pera lang sa pangangailangan ang kanyang ipinang-susugal.
Araw-araw maraming player ang binggohan ni Ineng. Ang masama nga lang nakahamblanag sila sa daanan. Pati ang hagdanan namin ay sinakop na nila at doon nagsi-pag-upo at inilalatag ang mga card. Tapos ang ingay ng inaalog na boletin at ang pagssigaw-sigaw ng taga-alog nito. "Sa letrang B, bulbol!" ang sigaw ng aleng pagkalakas-lakas ng bunganga na akala mo ay nasa palengke. Paikot-ikot lang ang mga taga-alog, kung sino ang may gusto ay pinagbibigyan. "Sa lertrang O,tsalap tsalap!" sabi ng lalakeng parang tutulo pa ang laway sa pagkakabigkas. Kapag sinabing ganito gets na ng mga player kung ano ito, na ang ibig sabihin ay 69(baliktaran). Ang mga bingoers talaga magagaling maglaro ng mga salita, kabastusan nga lang ang iba. Kapag mayroong bumibingo ay nagsisipagsigaw pa na para bang tumama sa lotto kulang na lang ay tumalon dahil sa matinding katuwaan. Hay naku, nakakatulilig talaga parang gusto ko na ngang magwala sa inis. Mabuti pa ang pagbabaraha tahimik dahil kailangang nakatutok ka rito kapag naglalaro. Pero ano ba naman ang laban ko sa mga ito eh ang dami nila samantalang ako ay nag-iisa lang. Lalabas pa na kj ako sa kanila at walang pakisama. Kaya't wala akong ibang magawa kundi ang damhin ko ang kanilang ingay at mag-excuse ng mag-excuse tuwing nanduruon ako sa papasok sa bahay namin. Ako pa ang nag-aadjust nang husto gayung sila lang itong nakikipuwesto. Saka mga manhid na rin ang mga taong ito kahit nakikita ka ng dadaan ay hindi agad tatabi. Minsan nga parang gusto ko ng lumipad 'pag dadaan ako kaysa naman masagi ang mga card nila at mapag-nitan pa nila ako. Minsan nga nagpatugtog ako ng malakas pero wa epek din dahil lalo pa nilang nilakasan ang boses nila at pagsigaw-sigaw. kaya walang ibang nabingi kundi ako. kahit lagyan ko pa ng bulak ang taenga ko wala pa rin. kahit basain ko pa ang hagdanan namin wala pa rin. Sa init ba naman ng araw ay ang bilis matuyo ng semento. Iniisip ko nga ano kaya kung pag-aaapakan ko lagi 'yung mga taeng nadadaanan ko tapos ikaskas ko sa pinaglalaruan nila. Hindi kaya sila magalit sa akin?
Hindi ko namang gustong maging kaisa nila dahil 'di ako naniniwala sa kasabihang, "If you can't beat them,join them." Binibiro nga ako ng ilan na kalabanin ko na lang daw si Ineng, magtayo rin ako ng bingohan sa loob ng bahay namin para maglipatan ang kalaro nila. Kung 'di ba sila gunggong eh gusto ko nga iwasan dadalhin ko pa sa loob ng bahay namin? Minsan nga hindi ako umuuwi para makaiwas lang sa ganitong eksena. Ganun naman talaga ang ilan sa Pinoy walang pakialam sa kapwa nila basta sila ay nasisiyahan, tabla-tabla na! Kaya't maraming nagbi-videoke kahit dis oras ng gabi kasi nga mga sarili lang nila ang kanilang iniisip. Eh, 'sa gabi lang sila nakakapagpahinga eh? Ang kapahingahan nila ay 'di naman pagkatulog ng iba.
Iba't ibang karakter ang mga manglalaro ni ineng pero lahat sila ay mga walang trabaho. Dahil ang sila ay mga housewife at ang ilan ay mga stambay na kalalakihan. Nakakapagtaka palagi silang may pera pagdating sa bingo. Kunsabagay barya-barya lang naman ang taya rito kaya't hindi ka mababaon sa utang. Masaya na rin siguro si Ineng sa natatanggap niyang tong mula sa mga naglalaro. Ito siguro ang dahilan kung bakit araw-araw ang kanyang pa-binggo para magkaroon na pera.Wais! Ang ibang mga kalahok ay pawang may maliliit pang mga anak. Ipinapaalaga na lang sa kasamahan sa bahay makapaglaro lang ng bingo. Tapos ang iba ay pinababayaan lang na maglaro kung saan-saan. Tulad nitong si Apeng na minsan ay 'di na raw nakakain at madalas ay nadadapa, naasusugatan at nakakaapak pa ng tae. Ang batang ito ay papansin dahil kapag napadaan ka ay bigla ka na lang hahampasin. Paano 'di papansin ay 'di naman iniintindi ng magulang. Kahit sabihan pa ang magulang ay wala rin dahil parang wala itong naririnig at wala sa sarili.
Mayroon namang nanay na habang nagbibinggo ay nagpapasuso ng anak! Ito ba ang tinatawag nilang,"kapag gusto may paraan, kapag ayaw maraming dahilan." Hay,ewan ko ba sa mga taong ito kung bakit naging ganito na lang ang ikot ng mundo nila sa araw-araw. Hindi lang ito basta ordinaryong libangan dahil kitang-kita ang kanilang pagkatalamak sa larong ito. Mapangit namang isipin na ganito na lang ang laman ng kanilang utak. Gayung mas marami pang dapat isipin at mas marami pang dapat gawin. Parang 'yung utak yata nila ang inaalog hindi ang boletin.dahil ang boletin ibinabalik lang sa lalagyan. Eh, sila hirap na silang ibalik sa kung ano man ang dati nilang pinagkaka-abalahan sa buhay. 'Yun ay kung mayroon man,he he. Paano ito hindi mangyayari eh mga adik nga, adik sa bingo!
Ilang lugar kaya ang mayroong ganito sa Pilipinas sigurado akong marami ang may kagaya rito?Teka may naririnig na naman akong nagsasabing namumuro na raw siya. "Sa letrang I...46!"..."Bingo!"

1 comment:
well, your writing style is top notch, and I'm guessing that you really are into this niche (the social aspect of pinoys). why not try writing your own book? I've seen many books having weird topics like this (weird that has sense if readers do comprehend what they were reading). who knows, you could be the next bob ong, however, your style is very different, the seriousness and the tone of conveyance is more direct, while bob's are way too hilarious, well that's his style.
anyway, thanks for the good read. even I've only stumbled upon your blogsite accidentally, I do enjoyed reading it. I was originally searching for UK bingo review sites, then poof, sayo yung nakita ko lumabas sa google, which was really weird no? Thanks ulit william. keep it up :]
Post a Comment