ang taglay na kaisipang
nagahak sa kawalan,
biglang naghimulmol
kaya't nagkabuhol-buhol
habang dila ay nabubulol
sa kawalang-tinig
halos 'di marinig
yaring likhang himig.
Tinatahi-tahi
ang nahabing napunit
sa laylayan ng damit
nais ko ay saplot
nang lamig ay 'di manuot
ngunit bali na ang karayom
kayarian ay nilagom
mayroon bang sinulid
na tatahi sa isipang makitid?
Tagpi-tagpi
ang resulta ng paghabi
nitong mumunting mga daliri,
bigyan ako ng gunting
bawat hibla'y hihimay-himayin
upang masiayos ang tila kinapos
nang sa huli ay mabuoang likhang sining ko-
reta-retasong berso.
No comments:
Post a Comment