Naritong muli sa ating bansa ang MV Doulos, na naitala sa Guiness Book of World of Records bilang pinakamatagal ng barko sa mundo na aktibo pa ring naglalayag. Ito ay kasalukuyang nakahimpil sa South Harbor, Manila na tatagal hanggang Disyembre 23, pagkatapos ay didiretso na sa Subic at mananatili naman hanggang Enero 14, 2008. Ayon sa pamunuan ng barko, ito na ang ika-anim at huling pagdalaw nila sa Pilipinas.
Ang Doulos ay nangangahulugan ng "servant o slave," base na rin sa adhikaing makapagbigay ng serbisyo sa mga bansa na kanilang pinupuntahan. Ang barkong ito ay naglalaman ng iba't ibang uri ng libro at mga souvener item. Tinagurian nga ang barkong ito bilang 'floating library.' Ang mga staff rito ay nagmula sa apatnapung nasyon at siyempre meron ding mga Pilipino. Lahat sila ay pawang mga volunteer. Karamihan sa kanila ay mga kabataan na piniling maglingkod sa loob ng dalawang taon upang matutong makisalamuha at makipamuhay sa mga komunidad na kanilang binibisita. Taong 1914 pa nang mabuo ang barkong ito subali't noong Nobyembre 4, 1977 nang ito ay tawaging MV Doulos. Ito ay nang mabili ni Gute Bucher fur Alle, isang German national ang barko. Inirehistro niya ito bilang 'private non-profit organization' sa Valette, Malta, Germany. Ito ang dahilan kung bakit may watawat ng Malta na naka-display sa stern ng barko.
Sinasabing nasa mahigit isang daang bansa na ang nabisita ng MV Doulos buhat nang ito ay magsimulang magbenta ng mga libro. Noong nakaraang taon lang dumalaw na rin sila sa ating bansa at isa ako sa libu-libong nakatuntong sa barkong ito. Personal kong nasaksihan kung paano ito dinudumog ng mga tao. Pagbukas pa lang kasi ay ang haba agad ng pila. Naruon ang kasabikan ng mga tao na makita ang MV Doulos lalo na't sikat ito sa buong mundo. Bukod pa roon ay mura lang ang entrence fee, mayroon pa ngang mga mang-aawit na nagpi-perform habang kayo ay dumarating bilang pagbati. Maliit lang ang puwesto na kinaroroonan ng mga libro sa loob ng barko. Ngunit maayos ang pagkakasalansan ng mga ito. Para ka ring nasa National Bookstore, kung saan ay merong nakalagay na kategorya sa mga bookshelve para madaling hanapin ang paksang nais mo. Sayang nga lang art wala akong nabiling libro at tanging naiuwi ko lang ay ang alaala ng barkong ito. Nagkataon lang kasing may sinadya ako sa Manila at bigla kong naalala na naruon pala ang MV Doulos!
No comments:
Post a Comment