Saturday, February 9, 2008

FRIENDSTER: Modernong Paraan ng Pakikipagkaibigan



       Lipas na ang panahon kung saan ay uso ang pakiki-pag pen pal para magkaroon ng mga bagong kaibigan mula sa iba't ibang lugar. Nakakainip ang ganitong proseso dahil matagal ang iyong ipaghihintay bago dumating ang kasagutan sa iyong sulat, bukod pa roon ay magastos din. Sa paglaganap ng teknolohiya ay natabunan na ito ng pakikipag-text mate at siyempre ang kinalolokohan hindi lamang ng mga kabataan kundi pati na rin ng mga nakatatanda- ang FRIENDSTER sa internet.

      Ito na nga ang modernong paraan kung gusto mong magkaroon ng maraming kaibigan. Sa ilang klik lang ng mouse at pindot sa keyboard ay makararating agad ang mensahe para sa kaibigan kahit saan mang sulok ng mundo ito naruroon basta may internet. Dahil ang friendster ay pandaigdigan kung kaya't pati sa mga banyaga ay maaari kang makipagkaibigan para magkapalitan kayo ng inyong karanasan, kultura atbp. Ang iba nga ginagamit ang friendster para maghanap ng makakarelasyon.
Ang mainam pa sa friendster hingin mo lang ang kanyang Yahoo Mail o email address ay maaari ka ng makipag-chat sa kanya para mas mabilis ang palitan ng mensahe. Ang ikanaganda pa sa friendster ay maaari kang mag-post ng mga picture kung kaya't alam mo na agad ang hitsura ng iyong ka-friendster. Huwag lang lalagyan ng ibang picture gaya ng ginagawa ng iba na ayaw ipakilala ang kanilang mga sarili.

       Kung medyo sinisipag ay puedeng magsulat sa blog para ibahagi sa iba ang iyong kaisipan at kung ano'ng nangyayari sa iyong buhay. O 'di naman kaya ay mag-post ng mensahe sa bulletin board kung may nais ipabasa sa mga kaibigan. At kapag napuno na ang account ay puedeng gumawa ka pa ng isa para doon tanggapin ang iba pang gustong makipag-kaibigan.

     Kung mayroong mga kakilala na matagal ng hindi nakikita hal., kaklase mo noong elementarya, high school o college. Subukang hanapin sa friendster, itype lang ang pangalan nila sa Sarch at kapag in ito ay mayroon siyang friendster account. Resulta, kapag nag-response siya ay magkakabalitaan na kayo.

      Ilan lamang ang mga ito sa pakinabang ng friendster. Sadyang mainam ang pagkakaroon ng ganitong on line community dahil nagiging magkaibigan ang mga dati namang hindi magkakakilala sa mabilis na kaparaanan. Pero ang masama ay kapag ginagamit ito sa kalokohan tulad ng paglalagay ng mga bastos na larawan.At ang pagpapanggap na siya 'yun pero hindi naman pala. Isa pa sa sobrang dami ng ininvite ay 'di mo na nasasagot ang iba. Kumabaga nagpaparami ka lang ng friendster list.
Pero kahit ano pang sabihin d'yan ng iba, nakallibang talaga ang mag-friendster. O paano add n'yo ako, ha?

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...