Ang Hinulugang Taktak ay iprinoklama noong July 17, 1952 bilang isang National Recreation Area ng Municipal Government ng Antipolo, sa bisa ng Presidential Proclamation No. 330. Idineklara naman ito bilang national park noong 1990 sa bisa ng Republic Act No. 6964.
Kilala ang Hinulugang Taktak dahil sa waterfalls nito at dahil sa kantang “Tayo na sa Antipolo”.” Subalit, noon iyon dahil ngayon ay naglaho na ang kagandahan nito. Humina na kasi ang lagaslas ng tubig sa talon, dumumi at nagkaroon pa ng amoy. Ito ay nangyari dahil hindi naipreserba ang kalinisan nito ng mga unang namahala dito. Nagkaganito rin dahil sa kawalang disiplina ng mga naninirahan malapit dito. Ang ilog kasi ay ginagawa nilang labahan at tinatapunan pa ng basura, na bumabagsak naman sa talon! Bukod pa rito ay sumasama ang katas ng mga septic tank at mga creek na naging sanhi ng pagkakaroon ng amoy ng tubig. Sabi nga ng nakapanayam ng PINAS na si Alfredo Singco, taga-Angono at namamasyal sa Hinulugang Taktak, “madumi na ang Taktak, hindi na gaya noon.”

Aminado naman si Manuel Agunod, tagapamahala ng naturang pasyalan, na polluted na talaga ang tubig sa Taktak. Meron diumanong programa na dapat ay magkaroon ng diversion ang tubig para di bumagsak sa talon ang samu’t saring dumi. Pero dahil sa napakalaking halaga ang gugugulin dito at marami ring masasagasaan ay hindi ito nabigyang katuparan. Talagang ang magagawa lang nila ay ang pagbibigay ng impormasyon sa mga tao na huwag nilang salaulain ang tubig para mabawasan ang dumi sa talon.
Magkagayunpaman ay pinagsisikapan ng mga namanahala sa pasyalan na ito na mapaganda nang husto ang lugar. Kaya’t nakakabawi sila sa kabila ng kalunus-lunos na hitsura ngayon ng Hinulugang Taktak. Patuloy pa rin itong tinatangkilik ng mga tao.
Ang Hinulugang Taktak ay may kabuuang sukat na 3.2 hectare. Kaysarap mamasyal habang ninanamnam mo ang katahimikan ng paligid. Kay-inam tingnan ang mga naggagandahang landscape. Nakakagaan ng pakiramdam sabayan pa ng pagdampi ng malamyos na hangin sa iyong katawan. At kung maalinsangan ang panahon ay meron ditong swimming pool na hugis-gitara, may lalim na limang talampakan at 15 pesos lang ang entrance fee. May mga cottage din na pwedeng pagpahingahan, sa halagang 50 pesos lang. Meron ding tinatawag na open plaza, pwedeng pagdausan ng party, binyag, kasalan, at iba pa. Kung gusto mo, mag-akyat-baba ka sa mga hagdan dito para mag-exercise. Mag-picnic kaya? Mag-retreat? Mag-picture taking? Ah, bahala ka, do whatever you want. Basta ako, tumatak na sa isip ko ang Taktak kahit tubig pa nito ay magmistulang latak!
No comments:
Post a Comment