Tuesday, December 16, 2014

Aiza Seguerra at Liza Dino, Gusto nang Magkaroon ng Anak

 
               Kamakailan ay ikinasal na sa San Francisco,California ang magkasintahan na sina Aiza Segurra at Liza Dino. Halu-halo ang naging reaksyon ditto ng mga tao. Mayroong nagpahayag ng kanilang suporta at meron din namang mga bumabatikos. Hindi pa rin kasi tanggap sa lipunang Pilipino ang pakikipagrelsyon sa magkapareho ng kasarian. Pero ipinagkibit lang ng mag-partner ang mga negatibong reaksyon at ngayon nga ay pinag-uusapan na nila ang pagkakaroon ng anak.

                Ayon kina Aiza at Liza, isasagawa nila ang kanilang plano sa pamamagitan ng biological insemination. Dati nang napabalita ang plano nilang ito. Ayon sa ulat, ililipat ang egg cells ni Aiza kay Liza at saka sila maghahanap ng sperm donor. Pupuwede itong magmula mula sa kanilang malapit kaibigan. Mayroon na diumano silang doctor sa Amerika na nakausap para magsagawa nang naturang plano. Mayroon nang anak si Liza mula sa dati nitong naging karelasyon at si Aiza na rin ang tumatayo bilang ama nito sakasalukuyan. Pero nais pa rin nilang magkaanak para masabing pareho itong nagmula sa kanila.


                Sa kasalukuyan, bukod sa pagkakaroon ng baby, pinaplano na rin nina Aiza at Dina na magsagawa ng ritual ceremony ng kanilang kasal ditto sa Pilipinas kahit na mayroon pang mga tumututol. 

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...