Thursday, January 8, 2009

Paalam, Mayor Sumulong




Nagluluksa ngayon ang buong Lungsod ng Antipolo dahil sa pagpanaw ni Mayor Victor R. Sumulong. Siya ay pumanaw habang nasa loob ng Makati, Medical Center dahil sa pagkakaroon ng multiple organ failure sanhi ng sakit na diabetes. Nakaburol ang kanyang labi sa may Jardin de Miramar na matatagpuan sa San Jose St., Brgy. San Isidro, Antipolo City. Naulila niya ang kanyang tatlong mga anak, mga kapatid, kamag-anak, mga kaibigan at ang kanyang mga nasasakupan a nd District ng naturang lungsod. Nakatakdang ilibing ang kanyang labi sa may Loyola Memorial Park, Marikina, Metro Manila.

Si Sumulong ay ipinanganak noong Mayo 19, 1946. Siya ay nagmula sa mga iginagalang na angkan ng mga pulitiko. Anak siya ni dating Senador Lorenzo Sumulong na may dalawampu’t isang taon ding nanilbihan sa Senado.

Nagtapos siya ng kurso sa pagka-abogasya sa UP College of Law noong taong 1979. Naging Assistant Secretary siya ng Department of Local and Government at Community Development sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong taong 1975. Naging Undersecretary din siya ng DILG sa panahon naman ni dating Pangulong Fidel Ramos mula taong 1992 hanggang 1996. Naitalaga rin bilang director ng MARILAQUE Commission mula taong 1994 hanggang 1998. Nagsilbing Kongresista ng Lungsod ng Antipolo mula taong 1998 hanggang 2004. Siya ang arkitekto ng pagiging lungsod ng Anipolo. Nang maging dalawa ang distrito ng Antipolo ay naging Kongresista siya ng 2nd District mula taong 2004 hanggang 2007. Pagkatapos nga nito ay naging mayor naman siya ng Antipolo.Bukod sa pagiging pulitiko ay isa rin siyang mahusay na negosyante dahil nakapaglingkod siya bilang Board of Director ng ilang malalaking kompanya at nagmamay-ari din ng ilang mga negosyo. Kaanib din siya ng iba’t ibang civic organization.

Bilang mayor ay marami rin siyang isinagawang pagbabago sa Antipolo. Pinalawak niya ang mga kalsada sa Mayamot hanggang Cogeo. Pinasigla rin niya ang kalakalan, dahil dito ay may mga bagong malalaking gusali ang naitayo sa sa Gate 2. Siya rin ang nagpagawa ng Dimasalang Park, na dati ay isa lamang paradahan ng mga sasakyan. Ilan lamang ang mga ito sa magaganda niyang nagawa sa mga mamamayan ng Antipolo. Dahil sa tagal na niya bilang isang pulitiko ay sadyang marami na siyang naiambag para sa kanyang mga kababayan.

1 comment:

Anonymous said...

Tama ka diyan, siya ang pinakamagaling na mayor ng Antipolo maski sandali lang siyang nagsilbi. Sa isang taon at kalahati niyang nagsilbi madami na siyang nagaw na hindi nagawa ng mga ibang mayor na nagsilbi ng 3 termino. Inisip n iya ang mga tao at hindi sarili niya. HIndi siya corrupt kaya hindi siya gumawa ng pera at lahat ng kita ng antipolo ay ibinalik niya sa taong bayan. sayang sasandali lang siya NAGSILBI kung hindi mas madami pa tayong makikita kagandahan at kabutihan niya para sa Antipolo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...