Monday, May 26, 2008

Reynaldo Lapuz:Ang tunay na wagi sa American Idol


Kung mayroon mang tunay na nagwagi sa katatapos lang na American Idol Season 7 ay hindi si David Cook. Bagama't siya ang itinanghal na kampeyon ay hindi mapapasubaliang ang ating kababayan na si Reynaldo Lapuz ang higit na umagaw ng atensyon sa sino pa mang mga kalahok sa nasabing patimpalak. Pumatok nang husto sa buong mundo ang kanta niyang We're Brothers Forever.
Noong Jan. 2008 ay umire sa telibisyon ang ginawa niyang pag-aaudition sa American Idol sa may Dallas,Texas. Kung saan ay siya ang pinakahuling contestant. Suot pa lang niya ibang klase na, hindi mo maintindihan kung cowboy ba o si Elvis Presley na nagsuot lang ng kapa at sumbrero na may tatak pang pangalan ng judge na Simon Cowell. Panay papuri pa ang kanyang iginawad kay Simon na kilala sa pagiging kilabot na judge. Pero para kay Reynaldo ay mistula itong santo dahil nakakatulong sa mga musikero na makilala. At nang kumanta ay komposisyon pa niya ang kanyang tinirada. Bibihira lang sa mga contest na orihinal na komposisyon ang kantahin ng isang contestant. Kadalasan kasi ay 'yung mga sikat na para masakyan ng mga tao. Pero si Reynaldo ay walang takot na kinanta ang sarili niyang awit. Kaya pala ganito siya ay isang kompositor at isang mang-aawit. Talaga namang naaliw 'di lang sina Simon, Paula Abdul at Randy jackson ang naaliw kundi ang lahat ng tao sa buong mundo na nanunuod ng sandaling yaon. Ako nga tuwang-tuwa sa kanya, hindi ko pa nga alam noon na isa pala siyang Filipino kundi isang Intsik. Bagama't hindi man lang nakapasok sa mga nag-top ay waging-wagi na siya. Huwag siyang ihilera kay William Hang na napansin din noon. Dahil si Hang ay puro cover songs ang ginawa at si Reynaldo ay hindi.
Si Reynaldo ay dati palang traysikel drayber sa atin bago mag-migrate sa Amerika at nagtrabaho rin sa Tate bilang dyanitor sa Greyhound at Wallmart. Tulad ng ibang Pilipino na nasa ibang bansa, naduon din siya para makipagsapalaran.
Mabuhay ka, Reynaldo Lapuz!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...