Monday, April 28, 2008

Tao Vs. Aso

Kuha ni: William M. Rodriguez II
Kinatay mo ang iyong kaibigan
Ng walang awa,
Ng walang kaluluwa
Palibhasa ay hayop at walang laban
Ni hindi makagat ang among
pinag-alayan ng bait.

Masarap ba ang karne ng aso?
Eh, ang karne kaya ng tao?

Pero sino ba ang mas matindi
ang aso o ang tao?
Matibay ang sikmura ng asong
kumakain ng samu't saring dumi
Kulang na lang ay kaninin ang sariling tae
Pero mas matibay ang sikmura ng taong
kumakain ng sariling alaga
Parang nagpapataba lang ng baboy
para patayin at katayin!

Mahalay ang aso at nakikipagtalik
sa kalsada
Samantalang ikaw sa tagong lugar nakikipagniig
Pero kapwa kayo nakalawit ang dila
at marunong ka rin naman ng istilong aso
'Yun nga lang magaling kang mangabayo.

Pareho lang kayo ng asong umiihi
sa kung saan-saan
Pero 'di traydor ang aso
Humaharap ito kung gusto niyang humarap
Ng walang pag-aalinlangan,
Ng walang pagkukunwari.

Ang hayop ay hayop sa kanyang pagkahayop
Pero ang tao ay hindi tao sa kanyang pagkahayop.
Ngayon sino ba ang mas ulol ang tao o ang aso?


No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...