Ano kayang magiging kapareho?
Ibig kong ito'y sindihan sa alab ng magdamag
Yayat na katawan ay magliliyab
Munti mang tinghoy nagdudulot ng liwanag
Na sa mga mata't diwa'y bibihag
Ano't kumislap sa aking pahayag!
Ngunit kung ang tula'y magsilbing pamuksa't
Gamitin lang sa pamamarangya
ng dalahirang dila
Ibig kong ito'y putulin bigla
O kaya'y basain upang 'di na mag-apoy
At makatupok ng marurupok na kahoy
'Pagkat kaluluwa'y madaliang madarang
Madikit lang malulusaw nang tuluyan.
Huwag, huwag akong alukin ng sigarilyo
'Pagkat 'di ko 'yan ibig na gawing bisyo
Tulad ng mga makatang umusuok ang bpkabularyo
Iniihaw na sa gitna ng purgaturyo,
Ano't natutuwang masdan pa ang abo
Sasama ka ba sa paglipad ng alipato?
Bilang kabahagi ng bawat piraso
O, sino yaong tunay na magulo
Ako ba, kayo o ang posporo?
No comments:
Post a Comment