Baka bumagsak kang tuyong dahon."
Lip[ad ng lipad tila walang pagkapagal
Kaya't tumutubong pakpak halos matanggal
Lahat sa paligid ay ibig mong matawid
Inaring maiksing daan ang himpapawid.
Huwag kang magpanggap na isang agila
Gayung batang kapos sa dunong, 'sang mulala
Hanggang ngayon diwa'y nakakulong sa hawla
Inililipad ka sa taas ng akala.
Huwag mong sasaklawa ang lahat ng bagay
Baka malasap lang ay pait ng tagumpay
Maraming nalalaglag sa pagtutumayog
Kahalintulad mo'y marupok na bantayog.
Ibig makipagtagisan gayung sugatan
'Di mo mapanglanggas lalim ng balantukan
Misstula ka na lamang ibong nakadapa
Animo'y lasing sa pagkakasugapa.
Kulay ng kalawakan 'di lalaging bughaw
Kaya't pinto ng kalangitan 'di matanaw
Minsan nagmamalupit din ang Haring Araw
Ipinagdaramot init ng pag-ulayaw.
Masdan mo at sa lupa'y may tuyong dahon
Sa pagbagsak mo may sasabihing himaton
Marupok na katawan hganyan din ang kahantong
Sa tayog ng lipad sasapitin ay kabaong!
No comments:
Post a Comment