Sa puso kong umaapaw at wala nang paglagyan
Bawat butil at tikatik ikaw ang nakalarawan
Buhay ay kay ganda maging sa kadiliman.
Marahil langit na rin ang nagbibigay basbas
Sa pag-ibig nating lubhang kay aliwalas
Maging ambon ay ating napapalakas
Tumila man ang sumpaan ay di magwawakas.
Kaysarap maligo sa gitna ng matinding ulan
Parang nagbabalik muli sa kawalang-muwang
Lalo’t ikaw’y kapiling, kasamang nagtatampisaw
Puso’y hinding-hindi manlalamig sa kabila ng ginaw.
Paligid man ay mapuno ng hamog at ng basa
Tatahakin pa rin natin ang landas ng pagkabahala
Pagkat puso natin sa isa’t isay umiibig ng malaya
Bagyo man ang dumating ay di mapipinsala.
Damdamin natin ay patuloy na magbubuhos
Tulad ng ulan may hatid na laksa-laksang agos
Sa bawat bahagi ng katawan ay tumatagos
Nabubuhay ang dugo sa isa mong haplos.
No comments:
Post a Comment