Thursday, February 14, 2008

Halina (Sa Ilalim ng Sinag ng Buwan)

May korona ng sinag ang gabi
Habang tayong dalawa’y magkatabi
May kalatas ng hiwagi na nahahabi
Bawat oras na sa lupa’y nangalalaglag
Ay mga ginto ng butil ng liwanag
‘Di na ako lumilikha pa ng mga alamat
‘Pagkat alam kong ikaw ay kaakibat
Batid kong ito’y ‘di pangangarap sa araw
O pagtatampisaw sa ulan na ayaw humulaw
Ito’y agos ng damdaming umaapaw
Habang kayakap ka’y walang ginaw
Kay sarap damhin ang mabining agay-ay
Ganyan ka rin may lamyos na bigay
Habang tangan-tangan ang iyong mga kamay
Halina, sadyang ikaw lang ang buhay
Humilig ka sa titibok-tibok kong dibdib
Dinggin ang puso’t walang tigil sa pagpintig
Dito’y naidambana ang ating pag-ibig
Nagagawak na namang muli ang karimlan
Sa piling mo, may umagang nag-aabang
Sadyang tayo’y maligaya wa ilalim ng sinag ng buwan….
-

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...