Kaya n'yo rin bang matulog sa ibabaw ng motorsiklo?
Ang sarap maglaru-laro ng ungguy-ungguyan!
Mga kuha ni WMRII
Lipas na ang panahon kung saan kakaunti lang ang mga litratista. Pero dahil na rin sa pag-usad ng teknolohiya ay nabago ito. Noon kasi ay kinokopo lang ng mga professional photographer ang paglilitrato. Pero ngayon kahit sino na ay puwede nang maging litratista basta’t matalas lang ang mga mata at panlasa sa pagpili ng subject. Ang pagkuha ng litrato ay maihahalintulad sa pagsusulat ng istorya dahil mayroon ding iba’t ibang anggulo.
Kung dati-rati kailangan pa ng film developing ngayon kahit hindi na. Mayroon na kasing mga digital camera at cellphone na mayroong camera. Sa pamamagitan lang ng infrared o bluetooth ay mailalagay na sa computer ang mga litrato. Kunmg gustong ipa-develop , kahit saan ay may digital printing na. Wala ring nasasasayang na pera kapag pangit ang litrato. ‘Di gaya noon na kapag nagkamali ay maakasaya sa film. Madali lang kasing magbura ng litrato kapag digital. Madali na rin ang pagsasa-ayos ng litrato. Kapag ‘di kuntento sa kulay ay ia-adjust lang ito sa computer. Puwedeng palakihan at paliitin o ‘di kaya’y alisin na ang mga ‘di kinakailangang detalye sa litrato. Ang iba nga ay pinaglalaruan pa ang litrato sa pamamagitan ng paglalagay ng palabok o pag-i-eksperimento sa litrato.
Maganda itong gawing libangan dahil lumalabas dito ang iyong pagiging malikhain. Nahahasa nito ang iyong pangmasid at pagsipat sa mga bagay-bagay. Napapalawak din ang iyong imahinasyon sa pag-iisip ng ideya sa pagpili ng subject at maging sa pagbibigay kahulugan sa kuhang litrato. Ang maganda sa litrato, ‘di mo na kailangan pa ng maraming salita. Dahil mismong ang litrato ay nagsasabi kung ano ba siya.
Aanhin mo naman ang mga kuhang litrato? Dahil sa ito ay isang uri ng sining kaya’t dapat itong ibahagi sa iba. Mahalagang ito ay ma-expose para makakuha ng reaksyon sa mga tao. Sa pamamagitan ng internet maaabot mo ang mundo. Maraming sites sa internet na mayroong photo sharing tulad ng Flickr, Picable atbp. Maaari rin itong pagkunan ng extra income kung masipag kang maglilitrato at magpromote sa mga community site sa internet.
Sa kabilang banda naman, dahil din sa modernong paraan ng pagkuha ng litrato ay mapangahas ngayon ang mahihilig kumuhan ng stolen shots. Lalo na kung ang gamit ay cellphone, hindi kasi ito ganun kahalata dahil sa maliit lang. Kapag kumukuha ng litrato ay itinataon lang na maingay ang paligid. Malakas din kasi ang tunog ng pag-klik sa camera ng cellphone. Kaya’t dapat maging listo dahil baka ikaw na pala ang subject ng litratista. Masosorpresa ka na lang dahil isang araw makikita mo ang litrato mo sa internet. Para ito ay maiwasan kumilos ng normal kapag nasa pampublikong lugar dahil may mga matang laging nakamasid.
Para sa iba ko pang mga kuhang larawan, William's photo collections
No comments:
Post a Comment