Makatawag-pansin ang pag-arangkada ng mga kantang banyaga na isina-Tagalog ng ilang mga baguhang mang-aawit. Hindi masasabing ngayon lang ito nagsimula dahil noon pa man ay mayroon na ring ganito. Kaya mali ang sinasabi ng isang disc jockey sa isang FM station na pinag-eksperimentuhan lang daw nilang magsa-Tagalog ng mga kanta. Hindi naman nila akalaing papatok ito sa mga listener. Sikat na sikat nga ngayon ang kantang “Payong” ni Miss Ganda, salin mula sa “Umbrella” ni Rihanna. Maging ang “Low” ni Florida at “Smack That” nina Akon at Eminem ay may Tagalong version din, binaboy nga lang o ginawang kalokohan. Dahil ‘di naman isinalin mula sa orihinal na lyrics, kumbaga ginawa lang magkasing-tunog.
Hindi na nakapagtataka kung patok man ito sa mga listener. Una dahil popular na talaga ang mga kantang ito, na sinakyan lamang ng mga baguhang mang-aawit para mapansin din sila. Mahirap nga namang magpasikat ng kanta lalo na’t kung bagong pasok pa lang sa eksena. Kaya kung hindi revival ang ginagawa ng iba tulad ng grupong MYMP ay ito ngang pagsasa-Tagalog ng mga kantang mula sa banyaga. Isama pa natin sa dahilan ang katotohanan na likas na sa ating mga Pilipino ang pagkakaroon ng colonial mentality. Kung papansinin ang industriya ng aliwan, mpa-radyo man o telibisyon ay pinangingibabawan ng mga kanta at programang banyaga. ‘Di ba’t sa telibisyon ay namamayagpag pa rin ang mga Korean Novela, na ginagawan pa ng Filipino version. Uso rin ang pagkuha ng franchise ng mga palabas mula sa ibang bansa. Patunay lang ito na sadyang tinatakilik natin ang lahat ng ito.
Sasabihin ng ilan na wala namang masama sa ganitong uri ng kalakaran. Maganda nga raw ang ganito para maintindihan daw ng marami. Bunsod na rin daw ito ng pagpapalitan ng kultura ng magkakaibang lahi. Pero sa bawat panggagaya ay walang ibang nasasakripisyo kundi ang ating sariling kultura at kalinangan. Eh, ang tanong, tayo kaya kailan makapagbibigay ng impluwensiya sa ibang bansa? ‘Yun bang tayo naman ang ginagaya at hindi tayo ang laging nanggagaya? Kung mayroon man sa ating nanggagaya ay hindi ito ganuon kalakas katulad sa atin.Pero gaya-gaya nga lang ba ang Pinoy? Maaaring oo at maaari rin naming hindi. ‘Di kasi ako lubusang naniniwala na gaya-gaya lang ang mga Pinoy dahil nag-uumapaw tayo sa talento lalo na sa pagsusulat ng mga liriko. Dahil kung si Miss Ganda mismo ang tatanungin ay mas gusto niyang gumawa ng orihinal na musika na nagmumula sa kanyang kaloob-looban. Pero sa ngayon sama-sama muna tayong magsipagkuha ng paoyng dahil inuulan na tayo ng musika ng panggagaya!
Monday, September 22, 2008
Sunday, September 14, 2008
Modernong Potograpiya kahit sino puwede!

Kaya n'yo rin bang matulog sa ibabaw ng motorsiklo?

Ang sarap maglaru-laro ng ungguy-ungguyan!
Mga kuha ni WMRII
Lipas na ang panahon kung saan kakaunti lang ang mga litratista. Pero dahil na rin sa pag-usad ng teknolohiya ay nabago ito. Noon kasi ay kinokopo lang ng mga professional photographer ang paglilitrato. Pero ngayon kahit sino na ay puwede nang maging litratista basta’t matalas lang ang mga mata at panlasa sa pagpili ng subject. Ang pagkuha ng litrato ay maihahalintulad sa pagsusulat ng istorya dahil mayroon ding iba’t ibang anggulo.
Kung dati-rati kailangan pa ng film developing ngayon kahit hindi na. Mayroon na kasing mga digital camera at cellphone na mayroong camera. Sa pamamagitan lang ng infrared o bluetooth ay mailalagay na sa computer ang mga litrato. Kunmg gustong ipa-develop , kahit saan ay may digital printing na. Wala ring nasasasayang na pera kapag pangit ang litrato. ‘Di gaya noon na kapag nagkamali ay maakasaya sa film. Madali lang kasing magbura ng litrato kapag digital. Madali na rin ang pagsasa-ayos ng litrato. Kapag ‘di kuntento sa kulay ay ia-adjust lang ito sa computer. Puwedeng palakihan at paliitin o ‘di kaya’y alisin na ang mga ‘di kinakailangang detalye sa litrato. Ang iba nga ay pinaglalaruan pa ang litrato sa pamamagitan ng paglalagay ng palabok o pag-i-eksperimento sa litrato.
Maganda itong gawing libangan dahil lumalabas dito ang iyong pagiging malikhain. Nahahasa nito ang iyong pangmasid at pagsipat sa mga bagay-bagay. Napapalawak din ang iyong imahinasyon sa pag-iisip ng ideya sa pagpili ng subject at maging sa pagbibigay kahulugan sa kuhang litrato. Ang maganda sa litrato, ‘di mo na kailangan pa ng maraming salita. Dahil mismong ang litrato ay nagsasabi kung ano ba siya.
Aanhin mo naman ang mga kuhang litrato? Dahil sa ito ay isang uri ng sining kaya’t dapat itong ibahagi sa iba. Mahalagang ito ay ma-expose para makakuha ng reaksyon sa mga tao. Sa pamamagitan ng internet maaabot mo ang mundo. Maraming sites sa internet na mayroong photo sharing tulad ng Flickr, Picable atbp. Maaari rin itong pagkunan ng extra income kung masipag kang maglilitrato at magpromote sa mga community site sa internet.
Sa kabilang banda naman, dahil din sa modernong paraan ng pagkuha ng litrato ay mapangahas ngayon ang mahihilig kumuhan ng stolen shots. Lalo na kung ang gamit ay cellphone, hindi kasi ito ganun kahalata dahil sa maliit lang. Kapag kumukuha ng litrato ay itinataon lang na maingay ang paligid. Malakas din kasi ang tunog ng pag-klik sa camera ng cellphone. Kaya’t dapat maging listo dahil baka ikaw na pala ang subject ng litratista. Masosorpresa ka na lang dahil isang araw makikita mo ang litrato mo sa internet. Para ito ay maiwasan kumilos ng normal kapag nasa pampublikong lugar dahil may mga matang laging nakamasid.
Para sa iba ko pang mga kuhang larawan, William's photo collections
Tuesday, September 2, 2008
Buhay-Rehab
Sa mga rehabilitation center o rehab, hindi lang mga lulong sa ipinagbabawal na gamot ang pwedeng ipasok, pati sugapa sa alkohol at mga taong nagbibigay sakit ng ulo sa pamilya. Pero ano nga ba ang pinagdaraanan ng isang drug dependent sa loob ng anim na buwang gamutan sa loob ng isang public rehabilitation center?
Sa pagpasok ng pasyente, ina-isolate ito sa loob ng isang linggo. Hindi pwedeng kausapin at lapitan ng ibang pasyente. May posibilidad kasi silang magwala dahil hindi pa nila tanggap na ipinarehab sila bagama’t may iilan-ilan na boluntaryong nagpapa-rehab. Pagkakataon din ito para mapag-isip-isipan nila ng ang mga kamalian nilang nagawa habang nasa labas pa. Matapos ang isang linggo, dadaan ang pasyente sa tinatawag na Emotional Interview (EI). May piring ang mga mata ng pasyente. Dito kino-konsensya siya at ipinapaalala ang mga kasalanang nagawa niya sa kanyang pamilya. Kapag matigas ang loob, hindi man lang naiyak o hindi kinakikitaan ni munting pagsisisi ia-isolate uli ito. Kasunod ng EI ang pagwe-welcome ng mga kapwa-pasyente. Magiging bahagi na rin siya ng kanilang FAMILY. Bilang miyembro ng pamilya, ang tawagan nila ay "brother".
Ang pasyente sa rehab ay kinakalbo at dapat ahit lagi ang bigote. Ang pinaka-uniporme ay t-shirt na kulay yellow.
Tuwing umaga ay nag-eehersisyo ang mga pasyente para mailabas ang mga chemical drug sa loob ng katawan. Wala silang iniinom na gamot maliban sa gamot sa sakit ng ulo, sipon, lagnat at trangkaso.
Sa loob ng isang araw ay nagkakaroon ng meetings; mayron sa umaga, sa hapon at sa gabi. Pinangungunahan ito ng mga opisyales na sila rin ang nagtatalaga. Binubuo ang ‘morning meeting’ sa pamamagitan ng pag-aawitan ng mga kantang pang-ispiritwal. Mayron ding special number kung saan pwede silang magpakita ng talent at mayron pang ‘joke time’. ‘Di ba ang saya-saya? Dito na rin ipinapaalala kung ano ang kanilang function o gawain sa araw na ‘yon. Binibigyan din sila ng ‘word for the day’ na kakabisaduhin – isang Tagalog at isang English. Kapag hindi nakabisado, bibigyan sila ng parusang ‘pumping’.
Pagkakain ng tanghalian ay magsisimula na ang siesta nila hanggang alas-dos ng hapon. Papasok ang mga pasyente sa kani-kanilang ward para magpahinga. Mayroon ring maiiwan sa labas ng ward, yung mga nakatoka para manood ng tv at ang madalas na ipanood sa kanila ay National Geographic Channel.
Sa ‘afternoon meeting’ naman ay magkakaroon sila ng ‘Reflective Thinking. May mga nakahanda nang topic na pag-uusapan na may kinalaman sa kalagayan nila. Pagkatapos ay magpapalitan ng kuru-kuro at magkakaroon ng activity. Pwedeng lecture o palaro para magkaroon sila ng self-reliance at team-building. Madalas mayron ding Bible study para manumbalik sa Panginoon ang mga pasyente.
Ang evening meeting ay hindi naman naiiba sa umaga at sa hapon. Bago matulog ay pinapatugtugan sila ng classical music para ma-relax at bilang bahagi na rin ng therapy.
Hindi naman nagugutom ang mga pasyente sa rehab dahil maayos naman ang supply ng pagkain. Sabi nga ng nakausap kong pasyente, "Noong unang araw ko dito ay ang payat ko talaga pero ngayon gumanda na ang katawan ko." Ang kalaban lang daw nila dito ay pagkainip at ang hirap nang mawalay sa pamilya. Pero every weekend ay may schedule naman ng dalaw. Paminsan-minsan ay may mga taga-eskwelahan na dumadalaw sa rehab bilang bahagi ng educational tour at para kumustahin sila at marinig ang kanilang mga kwento kung paano sinira ng bawal na gamot ang kani-kanilang mga buhay.
Kaakibat ng pagkapasok sa loob ng rehab ay ang pagkakaroon ng ibayong disiplina. Kung astig ka sa labas, dito hindi. Kailangang sumunod sa rules kung hindi may katapat na parusa. Halimbawa, sa oras ng meeting at hindi maayos ang pag-upo, nagkakamot o hindi nakikinig, ipapahiya sa harapan ng mga ka-brother at sasabit sa rehas na parang ungooy sa loob ng ilang minuto. Kapag matigas talaga ang ulo at walang kadala-dala, isang linggong "face the wall" ang parusa; pwede ring isang araw na nakatayo na may nakasabit na plackard na may nakalagay na, "Huwag ninyo akong tutularan."
Napakahalaga ng tungkulin ng rehabilitation centers para sa ikapagbabago ng mga kababayan nating nangaligaw ng landas. Kapag walang mga rehab, paano pa magagamot ang mga lulong sa droga? Lalo na sa panahon ngayon na maraming drug den ang nagkalat.

Subscribe to:
Comments (Atom)