Thursday, September 25, 2014

Bench Naked Truth, Binira ng Mga Netizen!


     
Photo from interaksyon.com
 
              Bagama’t nagging matagumpay ang pagdadaos ng Bench Naked Truth na ginanap kamakailan lang ay marami rin naming mga netizen ang ‘di natutuwa. Kahit sabihin pa na marami rin namang nasiyahan dahil talaga namang napaka-daring ng kanilang mga modelong artista. Tuwang-tuwa ang kababaihan kasama na rin ang mga nasa third sex kina Tom Rodriguez, Paolo Avelino at iba pa. Dahil talaga namang nagpakita sila ng kani-kanilang katawan, suot lang ang brief. Seksing-seksi naman ang mga babaeng kalahok gaya ni Solen Huesaff, Sarah Labahti na nakipaghalikan pa sa kanyang kasintahan na si Richard Guiterez.

                Pero ang ikinagalit ng ilan ay ang paglabas ni Coco Martin habang may hila-hilang babae na mistulang isang aso. Kunwari ang babae ay isang pet lang at habang si Coco naman ay isang master. Ikinagalit ito ng Gabriela at ni Sen. Pia Cayetano. Dahil isa itong uri ng stereotyping na wari bang ang gustong ipakita ay ang mababang pagtingin ng kalalakihan sa kababaihan. Idagdag pa rito ang pagiging sobrang daring ng nasabing palabas. May mga nanawagan pa na i-boycott ang mga produkto ng Bech.

                Dahil sa kaliwa’t kanang batikos na inabot ng mga organizer ng Naked Truth ay humingi na ng paumanhin ang may-ari ng Bench na si Ben Chan. Sinabi niyang wala silang intension na makapanakit ng damdamin ng ibang tao. Pero ipinangako niyang magiging maingat na sila sa susunod nilang show.


                Ikaw ano ba ang palagay mo sa isyung ito? Aba’y hindi nga naman maganda ang ipinakitang partieng master and pet ng palabas ng bench. Pero kung sa pagiging daring lang naman ay ‘di na siguro itto dapat pang palakihin pa. Hindi naman pambata ang nasabing palabas. Kaya lang ay lumagpas na sa limitasyon ang mga modelo gaya ng mag-partner na sina Richard at Sarah. Tama ba na maghalikan sa harap ng mga manunood? Kahit sabihin pa na wala naman ritong masama dahil mag-parter naman sila. Pero at least, nag-sorry na si Ben Chan sa ‘di magandang parte ng kanilang palabas. Nakalimutan niya yata na marami pa ring mga konserbatibo rito sa Pilipinas. Napabalita pa nga na nagbitaw ng mabigaw na salita laban sa organizers ng Naked Truth si Mayor Rodrigo Duterte ng Davao na papatayin niya raw ang mga nag-organisa nito. Kung totoo mang sinabi niya ito, Mayor ang puso mo, please!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...