Showing posts with label Blogging. Show all posts
Showing posts with label Blogging. Show all posts

Saturday, March 7, 2015

Ad Networks Para sa Tagalog Blog?

Naeengganyo ka ba na mag-blog, pero medyo nag-aalangan ka dahil 'di ka sanay magsulat sa english? Nagtatanong ka kung puwede bang pagkakitaan ang Tagalog blog? Kung oo, anu-anong ad network ang puwedeng salihan para naman 'di masayang ang effort mo?  Siyempre, meron.

Puwede ba ang Google Adsense para sa Tagalog blog? Hindi ito rekomendado, pero marami rin ang naglalagay nito sa kani-kanilang mga blog at kumikita naman sila. Pero kung mag-a-apply ka pa lang sa Adsense at Tagalog blog ang gagamitin mo, malabong makapasa ka. Unsupported language kasi ang Filipino language sa kanila. Kung makapaglagay ka man nito sa blog mo ay kadalasang unrelevant ads ang lumilitaw at madalas din na pawala-wala dahil walang mahagilap na english keyword sa blog. Kaya't ang ginagawa ng iba ay ginagawa nilang taglish ang kanilang post para may mahagip na keyword at may relevant ads na lumabas. Maliit lang din ang cost per click (CPC) dito sa Pilipinas. Wala kasing gaanong advertiser na nagpapalagay ng ads sa kanila kumpara sa Western countries.

Nuffnang- puwede rin ito sa Tagalog blog dahil Asian countries ang target ng ads nila. Ang problema lang sa Nuffnang ay limitado lang ang kanilang ads. Mas naka-concentrate sila sa pagsasagawa ng mga pa-contest para sa mga bloggers na iniisporsoran ng mga kumpanya na hawak nila. Minsan din ay nag-o-organize sila ng event kabilang na rito ang Blogapolis na taunan nilang isinasagawa. Ang mahirap pa ay meron silang tinatawag na Glitirati status o 'yung ads lang nila ang dapat na makikita sa blog mo. Mas priority nila ang blog mo kapag ganito ang status mo sa kanila. Two thousand pesos ang minimum cashout sa Nuffnang.

Ambient Digital- puwede ka rin ditong mag-apply.  Para maaprubahan ang blog, kung taga-Metro Manila ka lang ay kailangan mong makipagkita sa kanilang ads manager para papirmahin ka ng kontrata kapag nakapasa ang blog mo sa kanila. Kung taga-probinsya ka naman ay puwedeng through e-mail na lang ang pag-apply. Ang maganda sa Ambient ay 'di kailangan ng malaking space sa blog mo para malagay ang ads nila. Pop-up style kasi ito na pagkatapos lumitaw ay kusang gumigilid na lang. Six hundred twenty pesos lang ang minimum cashout sa kanila. Matagal nga lang ang bayaran sa Ambient dahil 90 days ang inaabot bago ka mabayaran. Saka manu-mano ang paraan ng pag-request ng payment. May invoice form ka pa na sasagutan at kailangan mong ipadala ito sa kanilang opisina para ka mabayaran.

Innity- maganda rin ito pero pahirapan ang pag-aaply sa kanila. Two hundred thousand views at forty thousand unique visitors monthly kasi ang kailangang bunuin para ka matanggap. Kapag 'di pumasa, puwede pa namang umulit pagkalipas ng isang buwan. Ang maganda sa Innity ay mayroon silang tinatawag na roll over na kapag natapatan ng mouse ay lalabas ang ad. Bukod sa rollover, meron din silang cpc at per impression. Minsan meron din silang screen take overa, ang pinakamalaking ad na mayroon ang isang ad network. Napaka-intrusive ng ganitong klaseng ad, pero mas malaki naman ang rate nito kumpara sa ibang ad. Kung sa Ambient ay 90 days, sa Innity naman ay 60 days lang. One thousan five hundred pesos ang minimum cashout nila. Dalawa lang naman ang pagpipilian kung paano ka mababayaran, through bank account o through cheque.

Oo, limitado lang talaga ang mga adnetwork para sa Tagalog blog. Pero kung kapwa mo Pinoy naman ang target readers mo ay swak sa iyo ang nasabing adnetworks dahil Philippine traffic ang target nila. Aminin man natin o hindi, mas masarap pa ring mag-blog kung may nakukuha ring pakinabang kahit paano. Kapag sumikat na nang husto ang blog mo, bukod sa adnetworks, puwedeng may lumapit sa iyo na direct advertiser na gustong magpalagay ng ad nila sa blog mo.

Paano 'yan good luck na lang sa pagsusulat mo!

Monday, October 13, 2014

Blogapalooza 2014: Tatlong Taon ng Tagumpay!

         

 
         Noong October 12 ay ginanap ang ikatatlong-taon ng Blogapalooza sa may SMX Convention Center, SM Aura, Taguig City. Ang pagtitipong ito ay naglalayong pagsamahin ang mga business owners at bloggers. Inorganisa ito nina Vince Golangco ng wheninmanila.com at ni Anton Diaz ng ourawesomeplanet. Ang dalawang ito ay kapwa popular dahil sa kanilang mga blog. Kada-buwan ay nakakakuha sila ng million views dahil na rin sa lakas ng impact ng kanilang mga article na ipinu-post.

            Mas malaki ang Blogapalooza 2014 kumpara noong nakaraang taon. Marami kasing nagsipagsaling mga kumpanya rito na umabot sa limampu. Samantalang nasa 700 bloggers ang nag-signed up at halos karamihan sa mga ito ay nagsipagdalo kaya’t naging jumped pack ang venue. Sadyang matindi na nga ang impluwensiya ng mga blogger dahil na rin sa nasa digital age na tayo sa kasalukuyan. Marami ng mga advertiser ang bumabaling sa mga blog para magpalagay ng kanilang ads.

            Talagang nasiyahan dito ang mga bloggers dahil sa dami ng mga freebies na ipinamigay. Nagkaroon pa ng mga pa-raffle kung saan ay magagandang items ang ipinamigay tulad na lamang ng smartphones na gawa ng Acer. Nagpalaro rin sa stage ang Chooks to Go kung saan ay gopro camera ang premyong ibinigay sa nanalo. Bukod sa freebies at raffles, pinatikim din ang mga bloggers ng mga pagkain mula sa Yellow Cab, House of Lasagna, Chips Ahoy, Chef’s Noodles at Krispy Kreeme kung saan ay naranasan pa ng mga bloggers kung paano gumawa ng sarili nilang doughnut.

            Nakakaaliw naman ang naging palaro ng Cooks to Go sa kanilang booth na tinawag nilang Kwela Van. Ang mga kalahok dito ay kailangang gayahin ang kilos ng manok na nasa TV. Ang matataas ang score ay nakapag-uwi ng isang buong roasted chicken. Kung may pagkain ay meron din namang inumin. Ipinatikim sa mga blogger ang beer na ang pangalan ay El Diablo galing sa Indonesia. Ayos ang lasa nito dahil ‘di mapait at ‘di rin naman matamis. Tamang-tama lang ang lasa. Nang tanungin ang promo girl kung bakit tinawag itong El Diablo ay dahil na rin sa mataas ang alcohol content na ito.

            Naging star studded din ang Blopalooza dahil may celebreties na nagsipadalo. Naroon si Bogart da Explorer ng Davao na dumalo rin noong nakaraang taon. Dumalo rin sina Nicolehiyala at Kris Tsuper na nag-promote ng bagong produkto ng Fukuda na CCTV; Bobby Yan na nagsilbing kinatawan ng Dyson at Maxene Magalona na nag-promote ng Flawless na nagbahagi pa ng kanyang ilang karanasan kung paano maging viral sa social media. Dumalo rin si Michele Gumabao ng PBB: All in na nagbigay ng kanyang inspirational talk sa mga blogger. Nagsalita rin si Karen Bordador na isang DJ at modelo at nag-promote ng bagong site na pagmamay-ari niya at  ng kanyang kapatid. Bukod sa kanila ay nabigyan din ng pagkakataon ang mga kinatawan ng iba’t ibang kumpanya na magsalita sa stage para i-promote ang kani-kanilang mga produkto.
             




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...