Wednesday, April 10, 2013

Pinoy Newsbook Dance Showdown 2013: Ka-tropa, Halina't Magsayaw at Magbasa!

      Nito lang Abril 9 ay naimbitahan ang inyong lingkod ng Pinoy Newsbook kung saan ay nagsusulat ako ng kolum, na maging isa sa mga hurado sa kanilang Dance Showdown sa may Sta. Cruz Covered Court, Antipolo City. Layunin ng paligsahang ito na hikayating magbasa ang mga kabataan at para na rin mailayo sila sa masasamang bisyo. Labing-dalawang grupo ang nagpakitang gilas ng mga sandaling ‘yun. Ito pa lang yata ang diyaryo na nag-orginasa ng ganitong aktibidades Kaya’t masasabing ibang klase talaga!

    Ito ang unang beses na maging hurado ako sa dance contest. Pero naranasan ko na dati na maging hurado sa balagtasan, pagsulat at pagbigkas ng tula. Kung tutuusin ay napakalayong larangan ng pagsusulat at pagsasayaw. Pero pareho itong sining, sa pagsusulat ay mga salita ang nangungusap. Samantalang sa sayaw ay tiyempo, ritmo o galaw ng katawan ang ipinapakita. Ang sayaw para sa akin ay para ring pagsusulat dahil bawat piyesa ay may kuwentong inilalahad.

                                        Ang Pagbabalik ng Original Pintados


    Unang sumalang ang Ang Pagbabalik ng Pintados. Nakakabilib ang grupong ito dahil costume at props pa lang ay talagang pinaghandaan na nila. Sumayaw sila ng Singkil na kilalang katutubong sayaw ng mga kapatid nating mga Muslim. Mahusay ang tiyempo ng kanilang mga galaw. Hindi lang sila sa katutubong sayaw humataw kundi pati na rin sa modern dance. Lalo nang ihagis-ihagis nila sa ere ang pinakabata nilang miyembro. Siguradong napapalunok laway ang mga manunuod dahil sa tindi ng aksyon. Unang kalahok pa lang ay mainit na, whew!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...