Wednesday, May 14, 2008

Mga dapat isalang-alang sa pagnenegosyo

Kapag pumasok tayo sa isang negosyo mahalaga na mapag-aralan ang iba't ibang aspeto na may kaugnayan dito. Bukod sa pagkakaroon ng sapat na puhunan dapat alam mo kung paano magpagulong ng pera. Ang kinikita ay hindi basta ginagastos kundi dapat gamitin uli pandagdag sa puhunan para mapalago pa ito.

Dapat ding isaalang-alang ang kompetisyon dahil sadyang kasama na ito sa isang negosyo. Hindi masama ang kompetisyon nakakatulong ito para maging balanse ang presyo ng bawat produkto sa merkado. Dahil kung wala nito tiyak magkakaroon ng overpricing. Sa pagkakaroon din ng kompetisyon nabubuo ang mga bagong ideya para maging epektibo at mabenta ang isang produkto.Natural kahit pareho kayo ng produktong ibinebenta dapat maging unique pa rin ito para madaling mapansin. Masasabi lang na hindi maganda ang kompetisyon kapag nagkakaroon ng siraan sa magkakakompetinsya, Isa pa, sa kagustuhang makahigit ng ilan ay masyado nilang binababaan ang presyo ng kanilang produkto halos wala ng tubuin pa kaya nalulugi. Gayung ang operational cost ay permanente at tumataas pa nga. Ibig lang sabihin maging resonable sa pagprepresyo, huwag masyadong mababa o mataas, 'yung tama lang.

Ang isa pang dapat isaalang-alang ay ang cost o gastos sa pagpapatyakbo ng negosyo. Kabilang na rito ang materyales, lugar at pansuweldo sa mga tauhan. Ayun sa mga eksperto, mayroong dalawang uri ng cost, ito ay ang direct cost at indirect cost. Ang direct cost ang tawag sa mga may kaugnayan sa paggawa at pagbebenta ng isang produkto. Samantalang ang indirect cost naman ay ang gastos sa upa sa puwesto, tubig at kuryente, pamasahe sa pagbili ng materyales, pansuweldo sa guwardiya at mga tindera, na tinatawag ding overheads.

Siyempre kung may cost hindi mawawala ang costing o ang paraan ng pagkukuwenta ng lahat ng mga nagastos. Dito kasi malalaman kung kumikita ba tayo o hindi? Mahalaga ito para may ideya tayo kung may patutunguhan ba ang ating negosyo o matatag ba ang kalagayang pinansiyal nito. Ika nga nasa tamang paghawak at paggastos ng pera ang susi para magtagumpay at makatagal pa sa merkado.

Para sa iba pang artikulo sa negosyo, magpunta lang sa Buhay-Negosyo. 

2 comments:

yenne said...

this article is very helpful

Negosyo franchise said...

Talaga naman nag enjoy ako sa pagbabasa nang iyong blog at ang dami ko natutunan mraming salamat. Magagamit ko ito sa pagtatayo ko nang aking negosyo.

sugar

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...